true essence of life
madalas napag-uusapan lalo na sa aming mga babae ang topic ng pag-aasawa. tampulan ng tukso ang mga nasa late 20s na wala pang asawa, worst ang walang boyfriend. napansin ko lang na masyadong big deal sa mga tao ang pag-aasawa lalo na sa mga babae. parang magugunaw na ang mundo kapag sumampa na sila ng trenta na wala pa silang asawa kaya ang iba bente-singko pa lang kinakarir na ang pagboboyfriend para saktong bente-sais o bente-syete pwede na silang gumarahe. tamang-tama pag edad nila ng trenta dalawa na anak nila o tatlo kapag masipag siyang manganak. oo nga naman kapag maaga kang nag-asawa maaga ka ding makakapagpagraduate ng anak.
kung sa bagay sino bang gustong maging single for life, wala naman siguro,at some point lahat siguro ng tao naisipang mag-asawa o kung hindi naman niya talagang pinangarap mag-asawa malamang kahit minsan inimagine niyang magkaroon ng asawa at mga cute na anak, kahit imagination lang. bottom line is walang gustong mag-isa forever. kahit nga ang pari dito sa amin umamin na na minsan nalulungkot siya dahil pakiramdam niya nag-iisa lang siya. kung sa bagay sino bang gustong magising at matulog at magising ulit na walang katabi sa kama? wala naman siguro. lalo na kung 35 o 40 o 45 ka na, matanda na pero hindi pa lola o lolo para ibaling na lang ang lahat ng oras sa pakikinig ng balita at komentuhan sa transistor.
minsan hindi ko rin masisi ang mga taong walang kadala-dala sa pag-aasawa. nag-aasawa not once not twice but thrice pa nga kung minsan. mayron ding may isang asawa nga pero dalawa naman ang girlfriends. ewan ko ha labas na ako sa issue nila dahil walang pwedeng makapagsabi kung anong pinagdaanan nilang lungkot o kabaliwan para gawing hobby ang pag-aasawa at pagpapalaganap ng lahi kung saan-saan. out na ako dun. basta ang alam ko mahirap mag-isa at mahirap labanan ang lungkot kapag mag-isa ka lang. may ibang magsasabi na may family ka naman na nagmamahal sa iyo, ang nanay mo, ang tatay mo ang mga kapatid mo. fine. given na nga na nariyan ang family mo pero hindi ba iba talaga yung isang taong hindi mo kapamilya na nag-aalaga at nagmamahal sa iyo. hindi ako ipokrita para ideny na masayang mainlove at pag inlove ka kahit ano kaya mo, kahit kahihiyan pa ang dala nito keber nila basta masaya ka, basta lahat ng katangahan, lahat ng pagtitiis, pagbibigay, pagpapasensiya kaya mong karirin wag lang siyang mawala. aminin na natin na lahat tayo naging biktima na ng love at lahat tayo at some point in our lives eh nag-imagine ng happy ending gaya sa fairy tales kahit na mapapangiwi ka ngayon at sasabihing eeew! fairytale ka dyan! no way! ahm wag mo nang lokohin ang sarili mo kasi alangan namang hindi ka nangarap ng happy ending kahit minsan lang lalo na nung inlove ka at fanatic ka pa ng true love. sabi nga nila skeptics are once believers, kaya let go okay lang aminin na mushy ka din at fragile pag dating sa love, so what kung romantic ka, mas okay nang maging hopeless romantic kesa naman sa maging hopeless ka na lang talaga dahil ayaw mo nang maniwala o dahil ayaw mong masabihang you're just like everybody else pag dating sa pag-ibig. big deal? walang masama sa magmahal lahat ng tao nagmamahal kahit mga notorious criminals may mga anak at asawa kasi nainlove din sila pero hindi naman nawala ang mga siga effect nila at papatay pa din sila nang walang kurap. ibig ko lang i point out eh, hindi nakakahiyang aminin na lahat tayo eh nagmamahal, magmamahal o pwedeng magmahal... period.
but it doesn't mean na dapat ang essence ng buhay natin eh pag-aasawa lang. lalo na sa ating mga kababaihan. oo nga nakakainis isipin na nagkakaedad ka na pero wala ka pang hubby o mga little angels, at baka maiwanan ka na ng biyahe at tuluyan nang hindi na magkaanak, kahit anak na lang. meron kasing mga babaeng desperate nang magkaanak kaya hayun nagpapaanak na lang. tsk... sad but true. hindi nila makayanan ang pressure ng age requirement sa pag-aasawa at pag-aanak kaya kahit dehado papatulan na kesa matawag na matandang dalaga. some women pumapayag nang maging number two, but you know what hindi other woman ang tawag ko sa kanila, home wreckers. i strongly believe na hindi pwede ang number two, ang taken na ay taken na wala na dapat usapan. ang pamilya ay sacred at walang pwedeng pumasok na ibang party para sirain ito. dahil babae tayo hindi dapat tayo papayag na masira ang pamilya natin lalong lalo na hindi dapat tayo pumayag na sirain natin ang pamilya ng may pamilya. bakit? kasi babae tayo... we can live without men, be single moms and raise our children on our own pero never, ever ruin someone else's family. tatanungin mo bakit santa ba ako? hindi pero hindi na kailangang maging henyo ang isang tao para malaman ang epekto ng isang broken family sa mga bata lalo na kung ang dahilan ng pagkawasak ng pamilya ay ibang babae o ibang lalake. kahit sabihin pa nating impiyerno ang buhay natin sa mga napili nating asawa, mas maiintindihan siguro tayo ng lipunan kung hihiwalay na lang tayo kesa naman maghanap ng isang padre de pamilya para sagipin tayo sa impiyernong kinalulugmukan natin kasi sa pagnanais nating maayos ang buhay natin may sinisira naman tayong ibang buhay. kung dalaga ka naman sobrang hirap bang ipaubaya na lang ang may asawa na sa mga asawa nila bakit ka pa makikihati at madalas dahil sa iyo kaya nagkakahiwalay ang mag-asawa. ang sobrang nakakalungkot lang dito proud pa tayo kapag tayo ang pinili ng lalake kesa sa pamilya niya. bakit ka proud? proud ka na may pamilyang nasira dahil sa yo? proud ka dahil may mga anak na nagtatanim ng galit sa ama nila dahil iniwan nito ang nanay nila para sayo? is it something that you should be proud of? at kung isasangkalan mo naman ang pag-ibig aba naku naman hindi mo ba kayang isakripisyo ang sarili mo para sa pag-ibig? hindi ka naman ang argabyado dahil hindi naman ikaw ang tunay na asawa, siguro kahit awa na lang para sa isang babae na kagaya mo na sobrang masasaktan kapag iniwan at awa sa mga anak na hindi mo alam kung anong epekto ng gagawin mo sa isipan nila. kung hindi ka pa rin magpapatinag sa paniniwala mo na all is fair in love and war, aba hija sa diyos kahit sa kanya na lang matakot ka, kaya nga niya nilagay sa sampung utos yan dahil masama yan. pero sigurado maiintindihan ka niya pero sana intindihin mo rin naman ang iba. magiging masaya ka ba kung may umiiyak naman dahil sa kasiyahang inagaw mo lang sa iba? wag mong ibaba ang sarili mo dahil babae ka. mahirap pero kakayanin mong gawin ang tama dahil nga babae ka, matapang, matalino at higit sa lahat may puso.
hindi pag-aasawa ang essence ng buhay. kung ang pananaw mo ay lahat ng babae dapat mag-asawa at walang kwenta ang buhay kapag hindi ka nagkaron ng sariling pamilya o kahit anak man lang, ang masasabi ko lang eh ang babaw mo naman. hindi lang yan ang essence ng buhay natin. kung hindi ka ginawa para maging ilaw ng tahanan o para maging isang ina, wag kang manlumo dahil sa sobrand daming pwede mo pang gawin bukod sa pag-aalaga ng pamilya. turuan mo ang sarili mo na tumingin sa paligid mo. idilat mo ang mga mata mo. mas madaming tao ang nangangailangan ng kalinga mo at pag-unawa kesa sa magiging pamilya mo. siguro may mga taong ginawa para maging single for life dahil gusto ng may kapal na gawin siyang tagapag-alaga ng mga taong inaabandona ng mga pamilya nila, para gawing tagapakinig sa mga kapwa babae na sinaktan, iniwan, o inabuso ng mga asawa nila, para tumulong, para umalalay. hindi komo matandang dalaga ka na eh magsusungit ka na lang at hihintaying kunin ni lord. oy hija gumising ka nga. sayang ang buhay kung sasayangin mo. wala ka na ngang pamilyang pinagkakaabalahan, wala ka pa rin bang gagawin sa lipunang kinabibilangan mo? kumilos ka. mabuhay ka. magsaya ka habang tumutulong sa iba. experience life by living it. wag kang parang tuod... kung ayaw mong magpaka mother theresa dahil wala sa nature mo at least tulungan mo ang sarili mo na maging masaya. kung may pera ka magtravel ka, pumunta ka sa palawan o sa mindanao. kung wala ka namang pera aba maligo ka sa ulan o kaya maglakad ka maghapon at panuorin kung paano mabuhay ang ibang tao na madaraan mo. basta kahit ano ang importante kumilos ka. magcontribute ka sa mundong ginagalawan mo. gamitin mo ang talent mo. or tumulong ka sa simbahan at wag kang basta na lang magsungit o magpakalunod sa red horse. sayang ang buhay. hindi lang pag-aasawa ang essence ng buhay mo kaya bakit mo sasayangin ang stay mo dito kung hindi ka nakapag-asawa. tandaan mo, minsan ka lang mabubuhay kaya ayusin mo. magpakasaya ka, magbigay ka sa iba, at kung kaya mo gumawa ka ng tama sa lahat ng pagkakataon dahil kahit sobrang hirap magpakatino mas masarap matulog sa gabi na walang gumugulo sa konsensiya. mararamdaman mo lang na may kulang sayo kung puro sarili mo lang ang concern mo. hindi tayo nandito para maghanap ng asawa, mag anak o magpakamatay sa pagtatrabaho para makapagmigrate sa canada. nandito tayo para ibahagi ang buhay natin sa iba at hindi lang sa mga mahal natin sa buhay. kung imumulat mo lang ang mata mo makikita mo na ang dami mong pwedeng gawin para sa kapwa mo sa sobrang dami baka maging last priority mo na ang pag-aasawa, yun ay kung alam mo ang tunay na essence ng buhay mo...



new store replica handbags
new store replica handbags openings, including handbags a fourth fake handbags shop in gucci handbags Japan.We gucci wallets are always (growing) in chanel handbags double-digits, in chanel wallets particular we louis vuitton handbags confirm a louis vuitton wallets positive trend
Holding.Brozzetti louis
Holding.Brozzetti louis vuitton said the replica handbags group's handbags retail sales gucci handbags were growing gucci wallets double-digit, as chanel handbags in the chanel wallets first quarter louis vuitton handbags of the louis vuitton wallets year
KOREEEEEEEEEEEEK!
korek na korek ka talaga day.go go,yan ang dapat isa isip ng mga kababaihan ngayon.more power n above all GOD BLESS U.
pirate
thanks sa comment ha. take care ka din at god bless.